Jan 8, 2010

MANGMANG

Mangmang

Ako'y dumating sa iyong paglisan
Hinarap kita nang lahat ay iyong tinalikuran
Ang pagtulog mo'y akin namang paggising
Napasigaw mo ang tahimik kong damdamin

Ika'y hinanap nang ika'y nasa kawalan
Sinundan ang yapak kahit walang pinatunguhan
Pinaniwalaan ang dati'y tila'y kalokohan
Ang mababaw ko pang isipa'y ikaw ang pinanigan

Ika'y nasa kadiliman at walang matakbuhan
Ngunit sa akin ika'y nagdulot ng kaliwanagan
Nakakulong ka sa kwartong bukas naman
Pinilit kang lumabas, ika'y takot sa kasalukuyan

Mahirap buhayin ang namatay nang damdamin
Ang inaakalang hangganan ay akin nang narating
Ang katapusan ng isang kaisipang kalokohan
Isang kamangmangan na nagdulot ng kahulugan


isinulat ni Alecxandra Rimbao