Aug 29, 2011

Pagtataya

Bakit nga ba nagtataya
Kung alam rin naman ang mapapala
Bakit kailangan pang sumugal
Kung hindi rin malalaman ang itatagal

Isang kantang hindi nya maririnig
hindi kayang ipagsabi ngunit di madadaig
Pandalawahang inaawit ng iisa
Habang nag-iisa, habang sya'y nagsasaya

Oras at panahon ay taliwas
Kaya't takot sa kung saan dadalhin ng bukas
hayaan na lang maghintay at mapagod
sabay lang sa daloy hanggang sa malunod