Nakakapanibago. Parang may kung anong nagtutulak sa aking buksan muli ang kalokohang blog na 'to. Halos nakalimutan ko na ang ganitong pakiramdam na hindi maipaliwanag. Hindi maalis sa isip ko. Hindi ako mapakali. Mukhang tanga lang. Masyado akong masaya na kahit sarili ko eh naiirita na. Pero ewan, kakaiba talaga at hindi ko maaaring sarilinin lang. Kailangan kong isigaw sa kawalan.
Ang swerte-swerte ko. Sa kung anong kadahilanan eh mukhang naging pabor sa akin ang mundo. Bigla na lamang may nag-hello para ipaalala na posible pa rin pala akong kiligin. Hahaha nakakainis lang.
At hindi ko alam kung anong pakay ng mundo at kung anong patutunguhan nito... pero heto na naman ako.
No comments:
Post a Comment